--Ads--

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nananatiling sapat ang suplay ng pagkain, petrolyo, at fertilizer sa bansa sa kabila ng umiiral na tensiyon sa pandaigdigang merkado.

Ayon sa Pangulo, nananatili ring normal at hindi gaanong nagbabago ang presyo ng mga pangunahing bilihin at produktong petrolyo kumpara sa mga nakaraang linggo.

Sinabi rin niya na patuloy ang pakikipagtulungan ng mga vendor at iba pang sektor upang mapanatili ang presyo ng mga bilihin, kaya’t hindi na kailangang mag-hoard o mag-panic ang publiko.

Binigyang-diin ni Marcos na isa sa pangunahing hakbang ng pamahalaan ay ang pagpapanatiling matatag ang presyo at suplay ng langis upang matulungan ang mga Pilipino, kabilang ang mga tsuper na apektado ng paggalaw ng presyo ng krudo.

--Ads--

Dagdag pa ng Pangulo, may kakayahan ang gobyerno na galawin ang excise tax sa fuel kung kinakailangan upang maibsan ang gastusin ng publiko, ngunit ito ay nakadepende pa rin sa galaw ng pandaigdigang merkado.

Layunin ng pamahalaan na mapanatiling matatag ang sitwasyon upang hindi maapektuhan ang kabuhayan ng mga ordinaryong Pilipino.