Ilang magulang ang sumusuporta sa posibleng pag-ban ng online gaming platform na Roblox sa Pilipinas matapos lumabas ang ulat na ginagamit ito ng cybercriminals.
Ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), may mga na-monitor na pag-uusap sa platform tungkol sa ilegal na gawain tulad ng droga, armas, at child exploitation.
Sinabi ni CICC Executive Director Renato Paraiso na kulang ang safety features ng Roblox, lalo na ang messaging function, na maaaring magdulot ng “violence, exploitation, mature contents for children.”
Nagbigay na ng abiso ang mga awtoridad sa Roblox na ayusin ang mga isyu, at posibleng ipagbawal ito kung hindi makikipagtulungan.
Gayunpaman, nagbabala ang ilang advocacy groups laban sa basta pag-block ng apps nang walang court order, dahil maaari itong maging mapanganib na precedent.











