--Ads--

Tatlong panalo na lang sa Miami Open at posibleng manatili si Alex Eala sa loob ng Top 30 o makapasok sa prestihiyosong Top 20 ng World ranking.

Ngayong araw, ay muling haharapin ng 20-anyos na Filipina ang beteranong Polish na si Magda Linette sa Round of 32 sa Grandstand ng Hard Rock Stadium. Inaasahang magsisimula ang laban bandang 3:50 a.m. oras sa Maynila, ngunit maaari itong maurong depende sa iskedyul ng mga naunang laro.

Parehong galing sa mahihirap na three-setter victories ang dalawang manlalaro. Si Linette, kasalukuyang WTA No. 50, ay nagulat nang talunin ang kababayan at kaibigang si Iga Swiatek, world No. 3, sa Round 2—isang malaking upset sa 128-player field ng prestihiyosong torneo.

Samantala, si Eala (WTA No. 29) ay nakaligtas sa pinakamahabang laban ng kanyang propesyonal na karera matapos talunin si Laura Siegemund ng Germany, 6-7 (6-8), 6-3, 6-3, sa loob ng mahigit tatlong oras ng matinding bakbakan.

--Ads--

Kung magtatagumpay si Eala sa susunod na tatlong laban, tiyak na masusungkit niya ang isa sa pinakamalaking milestone ng kanyang karera—ang makapasok sa Top 20 ng women’s tennis.