--Ads--
Naglaan ng tatlong linggong pag-aaral si Kim Chiu sa Paris para sa isang short business course bilang bahagi ng kanyang pagsasanay sa pagiging negosyante.
Ibinahagi ng aktres na layunin niyang palawakin ang kaalaman sa marketing at iba pang aspeto ng negosyo para sa kanyang hinaharap.
Maraming fans naman ang nagpadala ng welcome back messages sa social media matapos ang kanyang pag-uwi mula sa Paris. Napansin din ng ilan ang kanyang Rolex watch sa ilang Instagram Stories.
May mga haka-haka rin tungkol sa posibleng pagkikita nila ni Paulo Avelino sa Paris, na kung saan nagkaroon sila ng ilang larawan na kumalat sa social media. Gayunpaman, may ilan na nagdududa kung totoong larawan ito o gawa ng AI.
--Ads--











