--Ads--

Isinumite na sa plenaryo ng Senado ang bersyon nito ng panukalang P7.2-trilyong pambansang budget para sa 2027, na nakatuon sa pagkain, kalusugan, edukasyon, trabaho at seguridad.

Ayon kay Senate Finance Committee Chairman JV Ejercito, kabilang sa mga pangunahing alokasyon ang P378.6 bilyon para sa Department of Health, P94.2 bilyon para sa PhilHealth, P587 bilyon para sa DPWH at P251 bilyon para sa Department of Agriculture.

Itinaas din sa P326.9 bilyon ang pondo ng Department of National Defense, bukod pa sa P50 bilyon para sa modernization ng Armed Forces of the Philippines. Binigyang-diin ni Ejercito ang pag-prayoridad sa pagkumpleto ng mga kasalukuyang proyekto at wastong paggamit ng pondo.

Samantala, sinuportahan ng League of Provinces of the Philippines ang case-by-case review ng DBM sa performance ng mga lokal na pamahalaan bilang batayan sa pagbibigay ng 2026 CNA incentives. Ayon kay Isabela Governor Rodito Albano, dapat isaalang-alang ang mga pagkaantala sa procurement, bigong bidding at mga kalamidad.

--Ads--