--Ads--

Naka-alerto ang mga mamamayan ng Estados Unidos dahil sa mga posibleng banta na may kaugnayan sa Iran habang umiigting ang sigalot sa Gitnang Silangan at ang tensyon sa pagitan ng Iran, Israel at Estados Unidos.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Marissa Pascual, may mga ulat ang mga opisyal at intelligence agencies sa Amerika, may mga intercepted na mga tinatawag na sleeper cells o mga undercover operatives na maaaring naka-embed sa ibang bansa, kabilang na ang Estados Unidos. Gayunpaman, wala pa ring makumpirmang partikular na banta na nakatukoy sa isang tiyak na lugar o target sa loob ng bansa.

Ilang eksperto sa seguridad at counterterrorism ang nagbabala na ang posibilidad ng mga ganitong grupo o lone wolf actors na kumilos habang umiigting ang digmaan ay isang bagay na mino-monitor ng mga awtoridad. Ang mga sleeper cells ay mga covert agents na maaaring naninirahan nang tahimik at hindi halata, pero posibleng makagawa ng aksyon kapag nabigyan ng utos.

Bukod dito, umuusbong din ang banta ng cyberattacks bilang bahagi ng tugon ng Iran sa mga pag-atake ng U.S. at Israel. Inaasahang maaaring magamit ng Iran ang kanilang mga cyber unit para atakihin ang kritikal na imprastruktura ng Amerika, kabilang ang energy at iba pang essential systems.

--Ads--

Bagamaโ€™t wala pang tiyak na napapatunayang aktwal na pag-atake mula sa mga sleeper cells sa loob ng Estados Unidos, nananatiling mataas ang alerto ng mga law enforcement agencies upang mabantayan anumang kahina-hinalang kilos at posibleng banta na may kinalaman sa kasalukuyang tensyon sa rehiyon.