Hinamon ng ilang mambabatas si Vice President Sara Duterte na dumalo sa impeachment hearing na nakaiskedyul bukas, Abril 14, upang personal na sagutin ang isyu at hindi harangan ang proceedings sa pamamagitan ng pagpapasaklolo sa Korte Suprema.
Ayon kay Deputy Speaker at La Union Rep Paolo Ortega, sagot sa mga akusasyon at hindi pagkukubli ang syang hinahanap ng taumbayan.
Giit ni Ortega, ang House Justice Committee ang tamang forum para kay Duterte para ilahad ang kanyang panig sa mga akusasyon at hind isa SC.
Una nang sinabi ni dating presidential spokesman Salvador Panelo na “unreliable” si Madriaga gayunpaman para mga mambabatas, may hawak na alas ang testigo laban sa dati nitong amo kaya maaga pa para sabihin na ito ang “weakest link” sa impeachment case.
Inudyukan din ni House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Partylist Rep Terry Ridon si Duterte na dumalo sa hearing, aniya, hindi pressconference ang sagot sa mga reklamo laban sa Pangalawang Pangulo kundi ang matapang nitong pagharap.
Nagpatutsada pa si Ridon kay Panelo sa pagsasabing wala itong poder na magbigay ng komento ukol sa impeachment hearing dahil hindi naman ito kasama sa defense team.
Itutuloy ng House Committee on Justice ang impreachment hearing bukas kung saan inaasahang dadalo si Madriaga at ipiprisinta din ang ilang record na sinubpoena ng komite para bigyang linaw ang akusasyon na unexplained wealth ni Duterte.










