Mariing itinanggi ni Vice President Sara Duterte ang mga paratang laban sa kanya kaugnay ng umano’y asal niya noong nag-aaral pa ng abogasya.
Binigyang-diin ng Bise Presidente na isa sa mga pinakamabigat na akusasyon laban sa kanya ay ang umano’y paghingi ng tulong upang makapagtapos ng law school. Ayon sa kanya, ang naturang pahayag ay nagmula sa isang indibidwal na inilarawan niyang may mga kasong hindi kapani-paniwala, kabilang ang pagiging “bar flunker” at “kidnapping suspect.”
Iginiit din niya na wala siyang naging reklamo ng pagiging bastos o marahas laban sa kanyang mga kaklase sa San Sebastian College-Recoletos College of Law.
Nauna nang lumutang ang mga alegasyon matapos humarap sa pagdinig ng House Committee on Justice noong Abril 14 ang nagpakilalang dating “bagman” ni Duterte na si Ramil Madriaga.
Sa nasabing pagdinig, inilarawan ni Madriaga ang Bise Presidente bilang umano’y may ugaling marahas at bastos noong siya ay estudyante pa ng abogasya.






