--Ads--
Pinaputukan at sinamsam ng isang U.S. destroyer ang Iranian-flagged cargo ship na Touska sa Gulf of Oman matapos umano nitong iwasan ang naval blockade ng Estados Unidos, ayon kay U.S. President Donald Trump.
Ayon sa US Central Command, pinaputukan ng USS Spruance ang engine room ng barko upang mapahinto ito, at kasalukuyan na itong nasa kustodiya ng U.S. Marines.
Nangyari ang insidente sa gitna ng tumitinding tensyon sa Strait of Hormuz, kung saan patuloy ang blockade ng U.S. sa mga barkong may kaugnayan sa Iran.











