--Ads--

Nakamit ni Fil-Australian sprinter Jessica Rose Laurance ang kanyang ikalawang medalya sa 6th Asian Beach Games na ginaganap sa Sanya, China.

Nakuha ni Laurance ang silver medal sa women’s 4×60 meter relay kasama sina Shane Joy Ponce, Lianne Diana Pama, at Olympian Kristina Marie Knott.

Ayon kay Laurance, masaya siya sa kanyang naging performance at sinabi niyang wala siyang eksaktong inaasahan sa kompetisyon, kundi ang makapag-enjoy at masubukan ang kanyang kakayahan sa sand track.

Una na ring nakakuha ng bronze medal si Laurance sa women’s 60m sprint noong Sabado.

--Ads--

Sa kasalukuyang medal tally, nasa ikatlong puwesto ang Team Philippines na may tatlong ginto, dalawang pilak, at dalawang tanso, kasunod ng host China at Thailand.

Samantala, nakapasok na sa quarterfinals ang Alas Pilipinas beach volleyball team matapos talunin nina Sunny Villapando at Grydelle Matibag ang koponan ng Sri Lanka sa straight sets sa Round of 16.