Hinimok ng International Monetary Fund (IMF) ang Pilipinas na ipagpatuloy ang pampublikong infrastructure spending sa ilalim ng mas mahigpit na pamamahala upang maibalik ang kumpiyansa ng mga mamumuhunan at mapalakas ang ekonomiya.
Ayon sa IMF, mahalaga ang maayos at accountable na public investment, mas matibay na rule of law, at pagsugpo sa korapsyon upang makahikayat ng pribadong pamumuhunan.
Bumagal ang ekonomiya ng bansa noong 2025 sa 4.4% GDP growth dahil sa paghina ng government spending kasunod ng mga kontrobersiya sa ghost projects.
Ibinaba rin ng IMF ang growth forecast ng Pilipinas sa 4.1% ngayong 2026 dahil sa epekto ng global oil crisis at tensyon sa Middle East.
Nagbabala rin ang mga financial institutions sa patuloy na mataas na inflation, pagmahal ng langis at pagkain, at posibleng dagdag-interest rate hikes ngayong taon.











