--Ads--

Nagsagawa ng bilateral meeting sina Defense Secretary Gilbert Teodoro at Japanese Defense Minister Shinjiro Koizumi.

Mainit na tinanggap ng kalihim ang Japanese officials at delegations sa isang pagtitipon na ginanap sa lungsod ng Makati.

Tiniyak ng Japanese official na tuloy-tuloy ang kanilang pamamahagi ng tulong sa Pilipinas para mapalakas ang ugnayan ng dalawang bansa.

Pinasalamatan ni Teodoro ang bansang Japan dahil sa mga tulong na ibinibigay nila kung saan inihalimbawa nito ang pag-apula ng sunog sa landfill sa Navotas City noong nakaraang buwan.

--Ads--

Nakatakdang magsama rin ang dalawa para saksihan ang kasalukuyang nagaganap na Balikatan exercise sa Ilocos Norte kung saan gagamitin ng Japan ang kanilang Type 88 surface-to-ship missiles.

Mayroong 1,400 na sundalo mula sa Japan ang lumahok sa Balikatan military exercises na ito ang unang pagkakataon kung saan sila lumahok.

Una rito ay nakaharap ng Japanese official si Pangulong Ferdinand Marcos Jr at doon tiniyak ang tulong seguridad para sa Pilipinas.