--Ads--

Natanggap na ng Senado nitong Miyerkules ng gabi, Mayo 13, ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte na ipinadala ng House of Representatives.

Bandang alas-7 ng gabi nang personal na isumite sa Senado nina House Secretary General Cheloy Garafil at House Sergeant-at-Arms Ferdinand Melchor dela Cruz ang nasabing impeachment articles.

Nauna nang ipinahayag ni bagong Senate President Alan Peter Cayetano na agad kikilos ang Senado sa sandaling matanggap nito ang impeachment complaints mula sa Kamara.

Binigyang-diin ni Cayetano na obligasyon ng Senado, alinsunod sa itinatadhana ng Konstitusyon, na agarang iproseso ang reklamo sa kabila ng anumang posibleng hamong legal o tensiyong politikal na kaakibat ng usapin.

--Ads--