--Ads--

Hindi umano interesado si Senator Francis “Kiko” Pangilinan na maging Senate President, ayon sa kanyang pahayag kasunod ng mga ulat tungkol sa posibleng pagbabago sa liderato ng Senado.

Nag-ugat ang usapin matapos lumabas ang balita na may ilang senador na umano’y hindi komportable sa estilo ng pamumuno ni Senate President Alan Peter Cayetano, na kamakailan lamang naluklok sa posisyon.

Ayon sa naturang ulat, isa si Pangilinan sa mga pinag-uusapang posibleng pumalit kay Cayetano, na itinuturing umanong opsyon sa gitna ng mga usapin sa loob ng Senado at ng nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Gayunman, mariing pinabulaanan ni Pangilinan ang spekulasyon. Sa isang Facebook post nitong Sabado, sinabi niya: “Hindi po tayo interesado sa pagiging Senate President. Tutulong nalang ako sa kanila.”

--Ads--