--Ads--
Inaasahang babagal sa 4.4 porsyento ang consumer spending sa Pilipinas ngayong 2026 mula 4.6 porsyento noong nakaraang taon, ayon sa Business Monitor International (BMI).
Sinabi ng BMI na bagama’t makakatulong ang pagdami ng trabaho at pagtaas ng sahod, maaapektuhan pa rin ang paggastos ng mga Pilipino dahil sa mataas na inflation, presyo ng langis, at pagtaas ng gastusin sa pagkain at transportasyon.
Tumaas umano sa 7.2 porsyento ang inflation noong Abril, habang inaasahang aabot sa 4.3 porsyento ang average inflation ngayong taon—lampas sa target ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Dahil dito, mas magiging maingat umano ang mga consumer sa paggastos at mas pipiliin ang mga pangunahing pangangailangan at mas abot-kayang produkto.
--Ads--










