--Ads--
Pansamantalang ipinagpaliban ni US President Donald Trump ang planong pag-atake laban sa Iran upang bigyang-daan ang usapang pangkapayapaan sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Amerika, Israel, at Tehran.
Ayon kay Trump, nananatiling handa ang militar ng US sa posibleng malawakang opensiba sakaling mabigo ang negosasyon.
Lumabas ang pahayag matapos umanong magsumite ang Iran ng panibagong peace proposal sa Washington sa pamamagitan ng Pakistan.
Kabilang umano sa panukala ang ceasefire, muling pagbubukas ng Strait of Hormuz, at pagluwag ng ilang sanctions, habang nagpapatuloy ang usapan sa nuclear program ng Iran.
--Ads--
Sa kabila nito, nagbabala ang Iran na handa silang gumanti sakaling magkaroon ng panibagong pag-atake mula sa US at mga kaalyado nito.











