--Ads--

Sumabak sina Sisi Rondina at Bernadeth Pons laban sa mga Olympians sa Volleyball World Beach Pro Tour Nuvali Challenge na ginaganap sa Nuvali Sands Courts.

Natalo ang Alas Pilipinas sa kanilang unang laro kontra Denmark, 19-21, 17-21.

Muling sasabak sina Pons at Rondina mamaya sa evening session.

Target sana nina Rondina at Pons na makagawa ng kasaysayan matapos pangunahan ang Alas Pilipinas sa pagwawagi ng gintong medalya sa 33rd Southeast Asian Games sa Bangkok noong Disyembre. Layunin din nilang makakuha ng mahahalagang puntos at karanasan sa torneo, na itinuturing na second-highest level ng kompetisyon sa tour na suportado ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.

--Ads--

Samantala, asam ng top-seeded American pair na sina Corinne Quiggle at Chloe Loreen ang kanilang ikalawang medalya sa Beach Pro Tour sa ikalimang Challenge stop ng torneo.

Makikilahok din sa torneo ang Paris 2024 Olympians na sina Monika Paulikiene at Aine Raupelyte ng Lithuania, American champions Alexis Durish at Audrey Koenig, French Olympians Lezana Placette at Alexia Richard, pati ang defending Nuvali Challenge champions na sina Anniina Parkkinen at Valma Prihti ng Finland.

Sa qualifier naman, umusad sina Sofiah Pagara at Khylem Progella sa final round matapos talunin ang German duo na sina Mareet Maidhof at Tabea Schwarz sa iskor na 21-19, 28-26.