--Ads--

Inatasan ng Malacañang ang Department of Labor and Employment (DOLE) na palawakin ang TUPAD program upang makatulong sa paghahanda para sa Brigada Eskwela at makapagbigay ng pansamantalang trabaho sa mga Pilipino.

Sa pulong nina Executive Secretary Ralph Recto at bagong talagang DOLE Secretary Francis Tolentino, ibinaba ang direktiba na pabilisin ang rollout ng programa, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na paigtingin ang mga hakbang sa paglikha ng trabaho.

Sa ilalim ng TUPAD, pakikilusin ang mga benepisyaryo sa pagkukumpuni, paglilinis at pagpapaganda ng mga pampublikong paaralan bago ang pagbubukas ng klase, habang nabibigyan din ng pagkakakitaan ang mga nangangailangang Pilipino.

Tiniyak din ni Recto ang buong suporta ng Office of the Executive Secretary sa mga programa ng DOLE at nagpahayag ng kumpiyansa kay Tolentino bilang bagong kalihim ng ahensiya.

--Ads--