--Ads--

Inanunsyo ng Iran Revolutionary Guards o IRGC na target nila ang isang U.S. airbase nitong Huwebes matapos umano ang isinagawang pag-atake ng Amerika malapit sa Bandar Abbas airport sa Iran.

Ayon sa ulat isinagawa ang operasyon bandang alas-4:50 ng madaling araw oras sa Iran bilang tugon sa sinasabing pag-atake ng Estados Unidos.

Hindi naman tinukoy ng IRGC kung saan eksaktong lokasyon ng U.S. airbase na kanilang pinuntirya.

Nagbabala rin ang IRGC na anumang pag-ulit ng tinawag nilang agresyon ay sasagutin nila ng mas matinding aksyon at iginiit na nasa “aggressor” ang pananagutan sa magiging epekto ng tensyon.

--Ads--