--Ads--

Umakyat sa 3.37% ang non-performing loan (NPL) ratio o bahagdan ng mga hindi nababayarang utang sa mga bangko sa bansa nitong Abril, na siyang pinakamataas na antas sa loob ng walong buwan.

Sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), sumasalamin ang pagtaas na ito sa epekto ng mataas na interes sa mga nangungutang na pamilya at negosyo.

Sa kabila nito, mas mababa pa rin ang kasalukuyang tala kumpara sa 4.51 porsyentong peak noong panahon ng pandemya. Sa halaga ng piso, ang kabuuang bad loans ay lumago ng 11.7% na umabot sa P579.89 bilyon, kahit na lumago rin ang kabuuang pautang ng mga bangko sa bansa patungong P17.2 trilyon.

Samantala, umakyat din sa $P763.59$ bilyon ang mga past due loans o mga utang na atrasado na sa bayad ngunit hindi pa opisyal na itinuturing na NPL.

--Ads--

Ayon kay UnionBank chief economist Ruben Carlo Asuncion, inaasahang mananatiling matatag ang NPL ratio bago ito tuluyang bumaba kapag umayos na ang sitwasyon sa pananalapi sa bansa.