--Ads--

Inihayag ng isang Law Professor na Korte Suprema pa rin ang maaaring magbigay ng pinal na interpretasyon sa kasalukuyang sigalot sa Senado hinggil sa usapin ng quorum, liderato, at kung sino ang tunay na bumubuo ng majority at minority bloc.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Randy Arreola, sinabi niyanag nananatiling mahalagang batayan ang kasong Avelino vs. Cuenco sa pagtukoy kung may quorum sa Senado.

Ayon sa kanya, sa naturang kaso ay kinilala ng Korte Suprema na hindi palaging ang kabuuang bilang ng mga senador ang dapat pagbatayan, kundi ang bilang ng mga miyembrong nasa saklaw ng kapangyarihan ng Senado upang mapadalo sa sesyon.

Gayunman, may pagkakaiba ang sitwasyon noon at ang kasalukuyang kalagayan ng Senado. Aniya, kailangang suriin kung ang mga senador na hindi nakadalo ay maituturing pa ring nasa ilalim ng coercive powers ng Senado o hindi.

--Ads--

Pagdating naman sa usapin ng liderato, nananatili sa posisyon bilang Senate President si Senator Alan Peter Cayetano habang nagsisilbing Pro-Tempore si Senator Sherwin Gatchalian.

Sa usapin naman kung sino ang majority at minority bloc, sinabi ni Arreola na nagkakaroon ng kalituhan dahil parehong inaangkin ng magkabilang kampo ang mayorya. Aniya, maaaring isang grupo ang may mas malaking bilang ng sumusuportang senador, ngunit iba naman ang kinikilalang opisyal na liderato ng kapulungan.

Dahil sa magkakasalungat na interpretasyon, inaasahang magpapatuloy ang debate sa loob ng Senado habang hinihintay ang posibleng paglilinaw mula sa Korte Suprema.

Samantala, maaaring makaapekto naman sa kredibilidad ng blue ribbon committee sa ilalim ng paksyon ni Acting Senate President Gachalian ang pahayag ng dating marines na nagsasangkot kay Senator Erwin tulfo na tumanggap umano ng maleta mula sa flood control anomaly na siya ring tatayong chairman ng Blue Ribbon Committee na humahawak sa imbestigasyon ng flood control.

Maliban sa usaping politika mas mag kakaroon aniya ng epekto sa ekonomiya ang kasalukuyang sigalot sa loob ng senado.