--Ads--

Ibinunyag nitong Martes ni acting Senate President Sherwin Gatchalian ang impormasyon mula sa National Bureau of Investigation tungkol sa umano’y banta sa seguridad sa loob at paligid ng Senado.

Ayon kay Gatchalian, iniulat ni NBI Director Melvin Matibag ang naturang impormasyon sa mga sektor sa isang consultative meeting ng Blue Ribbon Committee noong Lunes.

Dahil dito, nakatakda siyang makipagpulong sa Senate Executive Committee, kabilang ang Sergeant-at-Arms, upang agad na magpatupad ng mga hakbang para palakasin ang seguridad sa Senado.

Binigyang-diin niya na pangunahing prayoridad ang kaligtasan ng mga senador at empleyado, at titiyaking ligtas ang kanilang lugar ng trabaho.

--Ads--

Hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang senador hinggil sa naturang banta.