--Ads--

Iniutos ng Department of Justice (DOJ) ang pagsisiyasat sa insidente ng pagkalunod ng dalawang manlalaro ng Ateneo Men’s Basketball sa Dipaculao, Aurora.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, inatasan na ang National Bureau of Investigation (NBI) na bumuo ng task force upang imbestigahan ang pagkasawi nina Rene Baterbonia at Divine Adili.

Sasaklawin ng imbestigasyon ang malalim, malawak, at patas na pagbusisi sa lahat ng posibleng anggulo ng insidente.

Titingnan din ng NBI kung may sapat na basehan upang magrekomenda ng pagsasampa ng kaso sa Department of Justice.

--Ads--