--Ads--

Posibleng i-refer ng House prosecution team sa Department of Justice o DOJ at Office of the Ombudsman ang mga alegasyon ng panunuhol laban kay Vice President Sara Duterte para sa paunang imbestigasyon at posibleng pagsasampa ng kaso.

Ayon kay House lead prosecutor Representative Gerville Luistro, hindi pa dapat mawalan ng pag-asa kaugnay sa bribery allegations laban sa bise presidente.

Kasunod ito ng paghahain ng House prosecution team ng manifestation sa Senate impeachment court upang alisin ang Article III, na sumasaklaw sa mga alegasyon ng panunuhol, mula sa impeachment trial ni Duterte.

Sinabi ni Luistro na maaari nilang iendorso sa DOJ o Ombudsman ang mga alegasyon upang magsagawa ng preliminary investigation laban kay Duterte at sa mga opisyal ng Department of Education o DepEd.

--Ads--

Sa kasalukuyan, nakapaghain na ang prosekusyon ng ebidensya kaugnay sa tatlo sa apat na articles of impeachment na orihinal na inihain laban sa bise presidente.

Patuloy namang tinatalakay ng Senate impeachment court ang Article II, na tumutukoy sa mga alegasyon ng unexplained wealth laban kay Duterte.