--Ads--
Kinuwestiyon ni Senador Imee Marcos ang pansamantalang paghinto ng Senado sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, at iniuugnay ito sa nalalapit na 49th ASEAN Summit at inaasahang pagbisita ni US President Donald Trump sa bansa.
Hinala ni Marcos, posibleng minamadali ang paglilitis upang mapaganda ang imahe ng Pilipinas sa closing ceremony ng ASEAN Summit.
Ayon sa senadora, maaaring ayaw ng administrasyon na matabunan ng mga negatibong usapin ang mga aktibidad na may kaugnayan sa summit, dahilan upang pansamantalang ihinto ang paglilitis at bigyan ng tatlong linggong pahinga ang mga senador mula sa impeachment proceedings.











