--Ads--

Itinanggi ni Vice President Sara Duterte na may balak siyang pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iginiit na wala siyang intensyong agawin ang posisyon ng pangulo.

Ayon sa Bise Presidente, kaya siya kritikal sa kasalukuyang administrasyon ay upang maipakita umano sa publiko ang tunay na kalagayan ng pamahalaan.

Sa kanyang mensahe para sa Araw ng Kalayaan, sinabi rin ni Duterte na ang soberanya ng bansa ay maaaring mawala hindi lamang dahil sa mga dayuhang mananakop kundi maging sa korapsyon ng matataas na opisyal ng gobyerno.

Samantala, muli siyang nahaharap sa impeachment case kaugnay ng mga alegasyon ng paglabag sa Konstitusyon, graft and corruption, betrayal of public trust, bribery, at iba pang mabibigat na kaso.

--Ads--