--Ads--
Laglag sa ikawalong puwesto ang Alas Pilipinas matapos matalo ng Iran, 25-21, 25-12, 25-21, sa classification match para sa ikapitong puwesto sa AVC Women’s Cup sa Candon City Arena.
Pinangunahan ni Alyssa Solomon ang koponan sa kanyang 12 points, habang nagdagdag sina Jov Gonzaga, Nina Ytang, at Alyssa Valdez ng anim, lima, at apat na puntos.
Sa kabila ng matinding paghabol ng Alas Pilipinas sa ikatlong set, nanaig pa rin ang Iran upang angkinin ang ikapitong puwesto at itulak ang Pilipinas sa kanilang pinakamababang pagtatapos sa torneo.









