--Ads--

Naglabas ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Tab Baldwin, head coach ng men’s basketball team ng Ateneo de Manila University, kaugnay ng imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawang manlalarong sina Rene Clert Baterbonia at Divine Adili.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, pinasasagot din ng NBI ang ilang manlalaro at opisyal ng Ateneo bilang bahagi ng masusing pagsisiyasat sa insidenteng naganap noong Hunyo 8 sa isang team-building activity sa Dipaculao, Aurora.

Samantala, sinabi ni Matibag na beripikahin muna ng NBI ang pagkakakilanlan ng isang babae na nagpakilalang asawa ni Baldwin. Ang naturang babae ay nagsabing dati na niyang binalaan ang Ateneo na hindi ligtas ang mga menor de edad sa paligid ng coach. Ang pahayag na ito ay isa rin sa mga tinitingnang anggulo ng imbestigasyon.

Patuloy namang sinisiyasat ng NBI kung may pananagutang kriminal o kapabayaan na may kaugnayan sa pagkamatay ng dalawang atleta, habang sinusuri rin nito kung tuluyang maaalis ang posibilidad ng foul play sa kaso.

--Ads--