Dinagdagan pa ng Philippine National Police (PNP) ang mga kasong inirerekomenda laban sa mga sangkot sa pagkasawi ng dalawang atleta ng Ateneo de Manila University.
Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), isinama na nila ang kasong homicide laban kay coach Tab Baldwin at kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide laban sa walong iba pang indibidwal.
Bukod pa ito sa naunang rekomendasyon ng CIDG noong nakaraang linggo na magsampa ng kaso para sa paglabag sa Anti-Hazing Act laban kay Baldwin at 10 iba pa.
Sinabi ng CIDG na ipauubaya na nila sa Department of Justice (DOJ) ang pagsusuri at pagresolba sa mga inirekomendang kaso.
Samantala, tiniyak ni PNP Chief na si Police General Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga pamilya ng mga biktima na gagawin ng pulisya ang lahat upang matiyak na makakamit nila ang hustisya.











