--Ads--

Naging toe to toe ang laban ng Iran at New Zealand sa kanilang opening match sa FIFA World Cup 2026 na ginanap sa SOFI Stadium sa Inglewood, California.

Maagang nakuha ng New Zealand ang bentahe matapos maka-goal si Elijah Just sa isang half-volley mula sa assist ni Chris Wood, na nagbigay sa kanila ng maagang 1-0(nil) kalamangan.

Bagama’t nagpakita ng magandang opensa ang New Zealand, nabago ang daloy ng laro matapos ang unang hydration break kung saan nakahanap ng pagkakataon ang Iran na makabawi. Naitabla ang laban sa 1-1 matapos ang mabilis na ratsada ni Ramin Rezaeian na nagresulta sa goal.

Bago pa ang equalizer, muntik nang makapuntos ang Iran matapos tumama sa poste ang malakas na tira ni Mehdi Taremi, habang may isa rin silang goal na hindi pinayagan dahil sa offside.

--Ads--

Sa second half, muling nakabalik ang New Zealand sa lead matapos ang isa pang goal ni Just, sa tulong muli ni Chris Wood, sa iskor na 2-1.

Gayunman, hindi nagpatinag ang Iran at muling nakapantay matapos ang header ni Mohammad Mohebbi mula sa cross ni Rezaeian na pumasok sa loob ng poste.

Sa resulta ng laban, pantay-pantay na may tig-isang puntos ang bawat koponan sa Group G, kasunod ng 1-1 draw ng Belgium at Egypt sa kanilang unang laban.