--Ads--

Nagpakita ng positibong paglago ang industriya ng tuna sa bansa matapos tumaas ng 14.6 porsyento ang kabuuang huli noong 2025 at umabot sa 230,347 metriko tonelada mula sa 201,034 metriko tonelada noong nakaraang taon, ayon sa Department of Agriculture.

Nanatiling pangunahing kontribyutor sa produksyon ang skipjack tuna na bumubuo sa mahigit 58 porsyento ng kabuuang huli, habang pumangalawa ang yellowfin tuna na may 39 porsyento.

Nanguna ang rehiyon ng Soccsksargen sa dami ng naitalang tuna landings, na nagpapatibay sa posisyon nito bilang sentro ng industriya ng tuna sa bansa.

Sa kabila ng paglago ng sektor ng tuna, nakapagtala naman ng 2.5 porsyentong pagbaba ang kabuuang produksyon ng pangisdaan sa bansa noong 2025, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority.

--Ads--