--Ads--

Dalawang passenger train ang nagbanggaan sa London, na ikinasawi ng isang tao at ikinasugat ng daan-daan, ayon sa mga emergency services sa United Kingdom.

Naganap ang insidente sa Bedford, kung saan parehong papuntang London St Pancras ang dalawang tren.

Ayon sa mga pasahero, nagkaroon ng malakas na pagbangga, kung saan may mga naiulat na sugatan at nawalan ng malay.

Iniulat ng East of England Ambulance Service na 11 ang nasa kritikal na kondisyon, 22 ang malubhang nasugatan, at 56 ang may minor injuries.

--Ads--

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing aksidente.