--Ads--

Bumaba sa 71 ang naitalang kaso ng teenage pregnancy sa Cauayan City sa ikalawang quarter ng 2026, batay sa datos ng City Population Office.

Ito ay mas mababa ng 30 kaso kumpara sa 101 na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Rouchel Pareja, Population Program Officer II, sinabi niyang patuloy ang kanilang monitoring sa mga barangay dahil may ilang ulat na naglalaman pa ng mga error na kailangang itama.

Dahil dito, posible pang magbago ang bilang ng mga naitalang kaso matapos beripikahin at maitama ang mga datos. Gayunman, kapansin-pansin ang pagbaba ng bilang sa kasalukuyang tala kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

--Ads--

Dahil sa pagbaba ng naitalang kaso, pumangatlo na ang Cauayan City sa apat na lungsod sa Isabela batay sa dami ng kaso ng teenage pregnancy.

Samantala, patuloy ang City Population Office sa pagsasagawa ng mga awareness campaign at seminar upang mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan tungkol sa maagang pagbubuntis at mga paraan upang maiwasan ito.