--Ads--

Tatlong hinihinalang miyembro ng isang robbery-hold-up group ang sugatan matapos makipagbarilan sa mga pulis sa southbound lane ng Barangay Turo sa NLEX Toll Plaza nitong Biyernes ng hapon, Hunyo 26.

Ayon sa mga awtoridad, isinugod sa ospital ang tatlong suspek upang gamutin ang kanilang mga tinamong sugat matapos ang engkuwentro.

Agad namang rumesponde ang mga crime scene investigator upang magsagawa ng imbestigasyon at mangalap ng mga ebidensiya sa lugar.

Sinabi ni Col. Jay B. Baybayan, acting provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, na iniuugnay ang grupo sa hindi bababa sa 21 insidente ng robbery-holdap sa ilang bahagi ng CALABARZON at Central Luzon.

--Ads--

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang kabuuang lawak ng operasyon ng grupo at ang iba pang posibleng sangkot.