--Ads--
Pinangunahan ni World No. 1 Aislinn Yap ang kampanya ng Pilipinas matapos masungkit ang gintong medalya sa women’s -80kg combat sambo event ng 11th Asia-Oceania Sambo Championships sa Manila.
Tinalo ni Yap si Kazakhstan national champion Zamzagul Faizollanova, 1-0, upang mapanatili ang kanyang titulo.
Nagwagi rin ng ginto sina Jomary Torres at Aumagel Princess Cortez, habang nagtapos ang Pilipinas na may kabuuang tatlong ginto, apat na pilak, at pitong tansong medalya sa torneo na nilahukan ng 22 bansa.





