--Ads--
Umabot na sa 1,719 katao ang nasawi habang mahigit 5,000 naman ang nasugatan matapos ang magkakasunod na malalakas na lindol na tumama sa Venezuela noong nakaraang linggo .
Patuloy pa rin ang search and rescue operations sa mga lugar na matinding napinsala ng twin earthquakes na yumanig.
Bagama’t lumipas na ang itinuturing na kritikal na 72 oras para sa paghahanap ng mga posibleng nakaligtas sa ilalim ng mga guho, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga pamilya ng mga nawawala habang nagpapatuloy ang operasyon ng mga rescuer.
Ayon sa mga opisyal, naibalik na ang suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng La Guaira at nakapagtayo na rin ng mga pansamantalang evacuation camp para sa mga apektadong pamilya.
--Ads--









