--Ads--

Tumaas ang Philippine Stock Exchange index (PSEi) ng 32.09 points o 0.53% upang magsara sa 6,069.26, na nagpahinto sa sunod-sunod nitong pagkalugi sa nakalipas na trading days.

Ayon sa mga analyst, nakatulong sa pag-angat ng merkado ang pagbuti ng sentimyento ng mga investors bunsod ng mga diplomatikong hakbang upang mabawasan ang tensiyon sa Gitnang Silangan at ang pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Nagbigay rin ng suporta sa local market ang pagbuti ng datos ng sektor ng manufacturing, bagama’t nananatili ang pangamba sa mataas na inflation na maaaring makaapekto sa pangmatagalang paglago ng ekonomiya.