--Ads--
Bumawi ang Philippine Stock Exchange index (PSEi) matapos ang matinding pagbaba noong nakaraang araw, kasunod ng positibong performance ng Wall Street at pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Umakyat ng 0.67% o 38.23 points ang PSEi upang magsara sa 5,716.15 points, habang tumaas naman ng 0.65% ang All Shares index sa 3,204.18 points.
Ayon sa mga market analyst, nakatulong sa pag-angat ng lokal na merkado ang pagbaba ng presyo ng krudo sa 92 dollars kada bariles at paglakas ng piso na maaaring makatulong sa pagpapabagal ng inflation.
Halos lahat ng sektor ay nagtala ng pagtaas, maliban sa services sector na bumaba ng 0.99%.
--Ads--










