--Ads--

Umabot na sa mahigit 2,300 katao ang nasawi habang nasa 50,000 pa ang nawawala isang linggo matapos ang magkakasunod na malalakas na lindol sa Venezuela.

Ayon sa mga awtoridad, 2,295 na ang bilang ng mga nasawi at mahigit 11,000 ang nasugatan. Tinatayang 13,000 katao rin ang nawalan ng tirahan dahil sa kalamidad.

Dahil dito, nagdeklara ng pitong araw na pagluluksa si interim President Delcy Rodriguez habang patuloy na humihina ang pag-asa ng mga rescuer na may mahahanap pang buhay sa ilalim ng mga guho.

Samantala, patuloy ring nararanasan ng mga apektadong residente ang kakulangan sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.

--Ads--