Umakyat na sa anim ang bilang ng nasawi sa silangang bahagi ng Japan matapos magdulot ng matinding pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa ang Typhoon Dujuan.
Anim na katao pa ang nawawala at 22 ang naiulat na nasugatan, habang nagpapatuloy ang search and rescue operations sa Kanagawa at Chiba, na kabilang sa mga pinakamatinding naapektuhan.
Nagdulot din ang bagyo ng record rainfall sa ilang lugar, na nagpalubog sa mga kalsada at residential area at nagdulot ng aberya sa transportasyon at iba pang serbisyo.
Samantala, sampu-sampung libong kabahayan sa Chiba ang nawalan ng kuryente habang isinasagawa ang restoration works.
Bagama’t papalayo na ang bagyo, patuloy ang babala ng mga awtoridad dahil maaari pa ring magdulot ng landslide at pagbaha ang basang lupa at mataas na lebel ng tubig sa mga ilog.











