Patuloy ang effusive eruption o pagbuga ng lava ng Mayon Volcano sa ika-1,983 magkakasunod na araw, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology nitong Linggo.
Naglabas ang mga state volcanologist ng pinabilis na kuha ng camera na nagpapakita ng pagdaloy ng lava mula sa summit crater ng bulkan. Ang naturang footage ay naitala mula alas-12 ng madaling araw hanggang alas-5 ng umaga noong Hulyo 5.
Dahil sa patuloy na pag-aalburuto, nakapagtala ng mga nagbabagang lava flow, pyroclastic density currents o mas kilala bilang “uson,” at pagguho ng mga bato mula sa dalisdis ng bulkan.
Ayon sa PHIVOLCS, nananatiling umiiral ang Alert Level 3 sa Bulkang Mayon, na nangangahulugang may mataas na antas ng volcanic unrest at posibilidad ng mga mapanganib na pagsabog.
Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng anim na kilometrong Permanent Danger Zone upang matiyak ang kaligtasan ng publiko laban sa mga posibleng panganib na dulot ng patuloy na aktibidad ng bulkan.











