--Ads--

Kinuwestiyon ng isang public interest at human rights lawyer ang hindi pagdalo ni Vice President Sara Duterte sa ikalawang araw ng kanyang impeachment trial, iginiit na mas nararapat sana itong humarap mismo sa impeachment court upang maipaliwanag ang mga paratang laban sa kanya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Dino De Leon, sinabi niyang bagama’t karapatan ng kampo ng Bise Presidente na pumili ng kanilang legal strategy, mas makabubuti kung personal itong dadalo sa pagdinig upang maipahayag ang kanyang panig.

Ayon sa abogado, mahalagang direktang masagot ng kampo ni Duterte ang mga ebidensya at alegasyong inihaharap ng prosekusyon sa tamang proseso.

Binigyang-diin din niya na bagama’t nasa prosekusyon ang burden of proof, may obligasyon ang depensa na sagutin at pabulaanan ang mga ebidensyang ilalatag kapag nakapagpakita na ng sapat na batayan ang kabilang panig.

--Ads--

Nagbigay rin siya ng reaksyon sa paggamit ng terminong “bloodbath” ni Duterte, na aniya’y dapat iwasan dahil maaari itong magdulot ng negatibong impresyon sa publiko at sa mga senator-judges na dumidinig sa kaso.