--Ads--
Hiniling ng Estados Unidos sa Iran na maglabas ng pampublikong pahayag na bukas ang Strait of Hormuz at ititigil na ang pag-atake sa mga cargo ships bilang bahagi ng nakatakdang negosasyon.
Ayon sa ulat, pribado umanong inamin ng Iran sa mga tagapayo ni US President Donald Trump na pagkakamali ang mga insidente ng pamamaril sa mga barko, ngunit isinisi ito sa isang hardliner group.
Sinabi ni Trump na magpapatuloy ang pag-uusap ng dalawang bansa sa kabila ng mga nagdaang tensyon sa mahalagang daluyan ng kalakalan.










