Fit to travel na o maaari nang ibiyahe si Senador Rodante Marcoleta ayon sa Philippine National Police (PNP) General Hospital.
Bagamat fit to travel na, inirekomenda ng mga doktor na tapusin muna ng senador ang kanyang gamutan at pag-inom ng antibiotics para sa mild pneumonia hanggang Hulyo 15, 2026.
Ayon kay Lt. Col. Benaly Bayani ng PNP General Hospital, maayos na ang lagay ng senador at maaari na siyang humarap sa korte bastat nakasuot ng face mask. Wala na rin siyang hirap sa paghinga.
Matatandaang na-confine si Marcoleta matapos makaranas ng pananakit ng dibdib at mataas na blood pressure kasunod ng kanyang pagkaaresto dahil sa kasong plunder noong Hulyo 6, 2026.
Nagpakita rin ang kanyang mga nakaraang pagsusuri ng iba pang kondisyon tulad ng degenerative disc disease at altapresyon.
Inaasahang ihaharap si Marcoleta sa Sandiganbayan para sa kanyang commitment order kapag natapos ang kanyang gamutan.










