--Ads--

Naghain ng “not guilty” plea si Senador Rodante Marcoleta sa mga kasong plunder at paglabag sa Presidential Decree 46 sa kanyang arraignment sa Sandiganbayan Third Division kaugnay ng umano’y P75 milyong hindi idineklarang campaign donation para sa kanyang kandidatura noong 2025 senatorial elections.

Binawi ng kampo ni Marcoleta ang kanilang mosyon upang ibasura ang kaso kaya natuloy ang kanyang arraignment sa dalawang kaso.

Umamin din ng “not guilty” ang kanyang kapwa akusado na si Joseph Varias Espiritu.

Ayon sa Office of the Ombudsman, kabilang sa mga ebidensyang hawak nila ang tatlong cash donations na may kabuuang halagang P75 milyon na hindi umano idineklara sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) at campaign finance reports ng senador.

--Ads--

Kaugnay nito, sinampahan si Marcoleta ng kasong plunder at paglabag sa Presidential Decree 46 na nagbabawal sa mga opisyal ng pamahalaan na tumanggap, direkta man o hindi, ng regalo, donasyon, o anumang benepisyo kaugnay ng kanilang opisyal na tungkulin.

Samantala, sa hiwalay na pagdinig sa Sandiganbayan Fourth Division, umamin din ng “not guilty” sina Marcoleta at dating Anakalusugan Party-list Representative Mike Defensor sa kasong paglabag sa Presidential Decree 46.

Magpapatuloy naman ang pagdinig sa mga kasong kinahaharap ng senador sa mga susunod na araw.