--Ads--

Ibinaba ng Information Technology and Business Process Association of the Philippines (IBPAP) ang target nitong kita at empleyo pagsapit ng 2028 matapos ang pagsusuri sa kasalukuyang kalagayan ng industriya at mga hamon tulad ng artificial intelligence o AI.

Ayon kay IBPAP President at CEO Jack Madrid, target na ngayon ng industriya ang $50.5 bilyong kita at 2.14 milyong empleyado pagsapit ng 2028, mas mababa kumpara sa naunang target na $59 bilyon at 2.5 milyong trabaho.

Sinabi ni Madrid na mas nakatuon na ngayon ang industriya sa pagpapataas ng produktibidad ng mga manggagawa kaysa sa simpleng pagdaragdag ng trabaho.

Kabilang sa mga hamon na kinakaharap ng sektor ang pag-usbong ng AI, pandaigdigang kompetisyon, kakulangan sa talento, at mga isyu sa imprastraktura at ease of doing business.

--Ads--