Naglabas ng matinding pahayag si aktres Angel Locsin laban kay Senator Robin Padilla matapos nitong ilarawan ang sarili bilang isang “komunista” sa gitna ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, at kuwestiyunin ang ilang paninindigan ng senador sa mga isyung pampulitika at panlipunan
Sa isang mahabang post sa social media, sinabi ni Locsin na naalala niya ang dating Robin Padilla na kanyang nakilala noon, kabilang ang mga kuwento nito tungkol sa pakikibaka at pagsali sa armadong kilusan.
Gayunman, ipinahayag ng aktres ang kanyang pagkadismaya dahil sa pananahimik umano ng senador noong paulit-ulit siyang ma-red-tag sa kabila ng umano’y kaalaman nito na hindi totoo ang mga paratang laban sa kanya.
Pinuna rin ni Locsin ang umano’y suporta ni Padilla kay Pastor Apollo Quiboloy at ang ilang pahayag nito kaugnay sa China, na aniya’y taliwas sa imaheng makabayan na dati niyang hinangaan.
Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, hinimok ng aktres ang senador na muling suriin ang kanyang mga paninindigan.









