--Ads--
Sinabi ni US President Donald Trump na matinding pinsala ang tinamo ng Iran matapos ang ikasiyam na magkasunod na gabi ng pag-atake ng Estados Unidos.
Samantala, isa pang sundalong Amerikano ang nasawi sa Iraq habang dalawang iba pa ang naunang napatay sa pag-atake ng Iran sa Jordan.
Nag-ulat din ng panibagong mga pag-atake ang ilang kaalyado ng US sa Gitnang Silangan, kabilang ang Kuwait, Jordan at Bahrain, na nagpapataas ng pangamba sa posibleng paglala ng sigalot sa rehiyon.











