--Ads--

Isa ang nasawi at walo ang sugatan sa pag-atake sa King Khalid International Airport sa Riyadh, habang dalawa naman ang nasawi at 28 ang sugatan sa pag-atake sa mga pasilidad sa Abha Airport.

Isang pag-atake ang naganap noong Miyerkules habang isa naman ang naitala noong Martes.

Nangako ang Saudi-led coalition na lumalaban sa Houthis na gaganti at tiniyak na hindi palalampasin ang naturang mga pag-atake.

Ayon sa koalisyon, mahigit 80 Houthi military sites sa mga governorate ng Saada, Hodeidah, Jawf at Marib ang kanilang inatake.

--Ads--

Kabilang ang mga pag-atake sa mga paliparan sa serye ng mga strike na nakatuon sa aviation infrastructure. Inatake rin ng Houthis ang Aden International Airport gamit ang ballistic missiles at mga drone na may dalang pampasabog.

Bumagsak ang isang missile sa runway ilang minuto bago lumapag ang isang flight mula Cairo. Ang Aden International Airport ang pangunahing international gateway patungo sa mga lugar sa Yemen na hindi kontrolado ng Houthis.