Pinag-aaralan ngayon ng prosecution at defense team na tapusin ang paglilitis per article o bawat kaso na inihain laban kay Vice President Sara Duterte sa nagpapatuloy na impeachment trial nito.
Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, ito ang adjustment na posibleng gawin ng prosekusyon at depensa para mapabilis pa ang proseso ng paglilitis.
Sinabi ni Gatchalian na ang orihinal na plano talaga ay tapusin muna ang trial ng prosekusyon sa bawat articles of impeachment at saka babalik ulit sa unang article para naman sa pagtatanggol at presentasyon ng mga ebidensya at witnesses ng depensa.
Batay sa napagkasunduan, una sa articles of impeachment ang Article 4 o ang grave threats at inciting to sedition laban kay VP Sara, Article 1 o ang hindi wastong paggamit ng confidential funds noong kalihim pa ang bise ng Department of Education (DepEd), Article 3 o ang bribery at corruption sa mga kawani sa DepEd, at Article 2 o ang hindi maipaliwanag na yaman ng ikalawang pangulo.
Umaasa si Gatchalian na magkasundo ang dalawang panig na magkasabay tapusin ang per article ng impeachment dahil sa tingin din niya ay mas mapapabilis nito ang proseso ng trial.











